Balangkas Ng Kasunduan Sa Bangsamoro, Art. 8

VIII. NORMALISASYON

  1. Nagkasundo ang mga Partido na ang normalisasyon ay mahalaga sa proseso ng kapayapaan
  2. Sa pamamagitan ng normalisasyon, maaring makamit ng mga komunidad ang kanilang minimithing kalidad ng buhay, kabilang ang pagsulong ng abot-kayang kabuhayan at partisipasyong pulitikal sa loob ng mapayapa at banayad na lipunan.

2. Ang layunin ng normalisasyon ay upang matiyak ang seguridad pantao sa Bangsamoro. Ang normalisasyon ay nakakatulong sa pagtatayo ng luipunan na tapat sa pangunahing karapatang pantao, kung saan ang mga indibiduwal ay malaya mula sa takot sa karahasan o krimen at kung saan ang matagal nang inaangking tradisyon at kahalagahan ay patuloy na igagalang. Ang kawalan ng seguridad pantao ay sumasaklaw sa malawak na hanay ng mga isyu, kabilang ang paglabag sa karapatang pantao at karapatang sibil, kawalan ng katarungan at parusang panlipunan at pampulitika.

3. Bilang isang prinsipyo, mahalaga rin na ang istraktura at kaayusan sa pulisya ay dapat na ang “police service” ay propesyunal at walang kinikilingang political control. Ang sistema ng pulisya ay may sibilyang katauhan upang itoý epektibo at matalab sa pagpapatupad ng batas, patas at walang pinapanigan, at may pananagutan sa batas para sa anumang maging aksyon nito, at responsable sa bawat panig ng Central Government at Bangsamoro Government, at sa komunidad na kanilang pinagsisilbihan.

4. Isang independyenteng komisyun ang oorganisahin ng dalawang Partido na magre-rekomenda ng angkop na pulisya sa lugar. Ang komisyun ay kabibilangan ng mga kinatawan mula sa mga grupo at maaring mag-imbita ng lokal at dayuhang mga dalubhasa sa pagpapatupad ng batas upang makatulong sa komisyun sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin.

5. Ang MILF ay magsasagawa ng “graduated program for decommissioning” ng mga pwersa nito, upang sila ay higit na mapapakinabangan.

6. Sa pabago-bago at unti-unting paraan, lahat ng tungkuling pagpapatupad ng batas ay ililipat mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) patungo sa pwersang pangkapulisan ng Bangsamoro.

Nagkasundo ang mga Partido na ipagpatuloy ang negosasyon ukol sa porma, papel at relasyon ng pwersang kapulisan ng Bangsamoro, na isina-alang-alang ang resulta ng independyenteng pag-aaral sa prosesong nabanggit sa paragraph 4.

7. Ang Joint Coordinating Committees on Cessation of Hostilities (JCCCH) at ang Ad hoc Joint Action Group (AHJAG) sa partisipasyon ng International Monitoring Team (IMT) ay magpapatuloy sa pagmanman ng kasunduang tigil-putukan hanggang sa ganap na “decommissioning” ng pwersa ng MILF. Ang umiiral na mekanismo ng koordinasyon ay magiging basehan ng paglikha ng Joint Normalization Committee (JNC) upang tiyakin ang (pagkakaroon) ng koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga natitirang pwersa ng MILF, at sa paraang ganito, ang MILF ay tutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar ng Bangsamoro, hanggang sa ang decommissioning ay makumpleto.

8. Bawat panig ay mangakong magtrabaho nang magkasama para sa pagbabawas at pagkontrol sa mga armas sa lugar at sa pagbuwag (o paglansag) sa mga pribadong sundalo at iba pang mga armadong grupo.

9. Ang detalye ng proseso ng normalisasyon at takdang oras ng decommissioning ay magiging Annex (o dagdag) sa bahaging “Normalization” at ito ay magiging bahagi ng kasunduang ito.

10. Ang dalawang panig ay nagkasundong palawakin ang mga gawaing pagpapaunlad ng rehabilitasyon, rekonstruksyon at kaunlaran ng Bangsamoro, at isagawa ang mga programa upang tugunan ang pangangailangan ng mga mandirigma (o kombatanteng) MILF, mga taong nawawalan ng tirahan, at mga komunidad na sinalanta (o tinamaan) ng kahirapan.

11. Kinikilala ng dalawang partido ang pangangailangan na akitin ang mga multi-donor na bansa para sa kanilang suporta, tulong at mga pangako para sa proseso ng normalisasyon. Para sa layuning ito, isang Trust Fund ang itatayo kung saan ilalagay ang mga mahahalagang suporta, pagbabalik at halaga para sa budget ng puhunan, na may kahusayan, transparensiya at pananagutan. Ang mga panig ay nagkasundong magpatibay ng isang pamantayan para sa karapat-dapat na paraan ng pinansiya, gaya ng mga lugar na priyoridad ng pagpapatayo ng kakayahan (o kapasidad), institusyunal (o sama-sama) na pagpapalakas, epektibong mga programa upang tugunin ang mga kakulangan ng kaunlaran at imprastraktura, at pagpapatakbo ng ekonomiya upang bumalik sa normal na buhay na nakaka-apekto sa mga kombatante at hindi kombatanteng elemento ng MILF, mga katutubong mamamayan, kababaihan, kabataan at mga taong nawawalan ng tirahan.

12. Nagkasundo ang dalawang panig na gumawa ng isang programa para sa “transitional justice” upang tugunin ang mga lehitimong hinaing ng mga mamamayang Bangsamoro, ituwid ang mga makasaysayang kawalan ng katarungan at harapin ang mga paglabag sa karapatang pantao.

Posted in MINDANAO: TUKLASIN NATIN | Tagged | Comments Off

Balangkas Ng Kasunduan Sa Bangsamoro, Art. 7

VII. TRANSISYON AT IMPLEMENTASYON

1. Nagkasundo ang dalawang panig sa kahalagahan ng pagkakaroon ng panahon ng transisyun at ang institusyon ng mekanismong transisyunal.

2. Nagkasundo ang dalawang panig na pagtibayin at isama ang “Annex on Transitional Arrangements and Modalities,” na bumubuo ng bahagi ng Framework Agreement na ito.

3. Mayroong itatatag na Transition Commission (TC) sa pamamagitan ng isang Executive Order at suportado ng ilang mga Congressional Resolutions.

4. Ang mga tungkulin ng Transition Commission ay ang mga sumusunod:

a. Upang isagawa ang pagbalangkas ng Bangsamoro Basic Law na ang mga probisyun ay sang-ayon sa mga kasunduang nilagdaan at lalagdaan pa lamang ng dalawang partido;

b. Upang gumawa ng mga mungkahe ukol sa amyendasyon ng saligang batas ng Pilipinas, at nang sa gayon ay mabigyang-daan at ma-protektahan ng konstitusyun ang mga kasunduan ng dalawang partido, kung sakaling kailangan, na walang nilabag na anumang mga naunang kasunduang pangkapayapaan;

c. Iugnay, kung kailan ito ay kailangan, ang mga programang pangkaunlaran sa mga Komunidad ng Bangsamoro kaugnay sa MILF Bangsamoro Development Agency (BDA), sa Bangsamoro Leadership and Management Institute (BLMI) at iba pang ahensya.

5. Ang Transition Commission ay binubuo ng labing limang myembro na pawang mga Bangsamoro. Pito sa mga myembro nito ay pipiliin ng GPH at walo namang myembro nito, kabilang ang Chairman, ay pipiliin ng MILF.

6. Ang Transition Commission ay independyente mula sa ARMM at iba pang ahensya ng pamahalaan. Ang GPH ay maglalaan ng pondo at magbibigay ng iba pang pagkukunan (ng pondo) para sa epektibo nitong operasyon. Lahat ng iba pang mga ahensya ng pamahalaan ay sumusuporta sa Transition Commission sa pagganap ng kanyang mga gawain at mga responsibilidad hanggang sa ito ay maging “functus oficio” at hanggang sa mawala na ito nang tuluyan.

7. Ang balangkas ng Bangsamoro Basic Law na isinumite ng Transition Commission ay sesertipikahan ng Pangulo bilang “urgent bill.”

8. Sa pagpoproklama at pagpapatibay ng Basic Law, na magbibigay-daan para sa pagtatag ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), ang ARMM ay kailangan nang buwagin.

9. Lahat ng maililipat na awtoridad ay sasailalim sa Bangsamoro Transition Authority sa pansamantalang panahon. Ang “ministerial form and Cabinet system” ng pamahalaan ay magsisimula kapag maitatag na ang Bangsamoro Transition Authority. Ang Bangsamoro Transition Authority ay maaring mag-organisa ng berokrasya sa institusyun ng pamahalaan na angkop dito.

10. Titiyakin ng Bangsamoro Transition Authority na ang patuloy na operasyon ng pamahalaan sa lugar na kinasasakupan ng awtonomya ay naipapatupad alinsunod sa mandato nito sa ilalim ng Basic Law. Ang Bangsamoro Transition Authority ay agad na mapapalitan sa taong 2016 pagkahirang at pagkaupo ng mga myembro ng Bangsamoro legislative assembly at ang pagkakabuo ng Pamahalaan ng Bangsamoro.

11. Lilikha ng “third party monitoring team” na bubuuin ng mga “international bodies,” gayundin ang mga grupong lokal, upang manmanan ang implementasyon ng mga kasunduan.

12. Sa katapusan ng “transition period,” ang GPH at ang MILF Peace Negotiating Panels, kasama ang Malaysian Facilitator at ang Third Party Monitoring Team, ay magtitipun-tipon sa isang pulong upang pag-aralan, tasahin o tantyahin ang implementasyon ng lahat ng mga kasunduan at ang progreso ng transisyun. Isang ‘Exit Document’ naman ang bubuuin bilang opisyal na tumatanggal sa negosasyong pangkapayapaan at nilagdaan ng magkabilang panig, kapag ang lahat ng mga kasunduan ay ganap nang naipapatupad.

13. Ang Negotiating Panel ng magkabilang Partido ay magpapatuloy sa pakikipag-negosasyon hanggang sa lahat ng mga isyu ay maresolbahan at lahat ng mga kasunduan ay naipatupad.

Posted in MINDANAO: TUKLASIN NATIN | Tagged | Comments Off

Balangkas Ng Kasunduan Sa Bangsamoro, Art. 6

VI. MGA PANGUNAHING KARAPATAN

1. Bukod sa mga pangunahing karapatan na kasalukuyang ipinapatupad, ang mga sumusunod na karapatan ng lahat ng mga mamamayang residente ng Bangsamoro ay saklaw ng lehislatura, ehekutibo at hudikatura, bilang direktang ipapatupad na batas at ginagarantiyahan o tinitiyak ang:

a. Karapatan sa buhay at kasagraduhan ng tao at ang kanyang dignidad;

b. Karapatan sa kalayaan at pagpapahayag ng relihiyon at paniniwala;

c. Karapatan sa pribasiya;

d. Karapatan sa malayang Pananalita o (pamamahayag);

e. Karapatan upang ipahayag ang pampulitikang opinyon at isulong ang pampulitikang adhikain sa paraang demokratiko;

f. Karapatang baguhin ang konstitusyon sa pamamagitan ng mapayapa at lehitimong paraan;

g. Karapatan ng mga kababaihan para sa makahulugang pakikilahok sa pulitika, at proteksyon (para sa mga kababaihan) mula sa anumang uri ng karahasan;

h. Karapatan sa malayang pagpili ng lugar na titirhan at kasagraduhan ng bawat tahanan (o pamamahay);

i. Karapatan sa pantay na oportunidad at walang diskriminasyon sa mga panlipunan at pang-ekonomiyang aktibidad at ang pampublikong serbisyo, anuman ang klase, pananampalataya, kapansanan, kasarian at lahi;

j. Karapatang magtatag ng mga asosasyong pangkultura at pang-relihyun;

k. Karapatang maging malaya mula sa panliligalig sa relihyun, etniko o sekta; at

l. Karapatang ayusin ang mga reklamo at sa angkop na proseso ng batas.

2. Ang mga karapatan sa ari-arian ay lubos na kinikilala at iginagalang. May paggalang sa lehitimong mga reklamo ng Bangsamoro na magmumula sa anumang hindi makatarungan pag-agaw ng karapatan ng pagiging may-ari ng kanilang mga teritoryo at mga karapatan sa pag-aari, pamanang pagmamay-ari ng lupain o isang masalimuot na karanasan na kailan man ay hindi napagtuonan ay kinikilala. At kapag hindi na ito maibalik, ang Central Government at ang Pamahalaan ng Bangsamoro ay gagawa ng epektibong paraan para sa angkop na kaayusan na makabuluhan (o kapaki-pakinabang) para sa bawat Bangsamoro, nang sa gayon ang kalidad, bilang at lagay nito ay katanggap-tanggap sa bawat panig.

3. Igagalang ang karapatan ng mga katutubong mamamayan.

4. Sisiguruhin ng Central Government ang proteksyun ng karapatan ng mga mamamayang Bangsamoro na naninirahan sa labas ng teritoryo ng Bangsamoro at gagampanan nito ang pagpapatupad ng mga programa para sa rehabilitasyon at kaunlaran ng kanilang mga komunidad. Ang Bangsamoro Government ay maaring magbigay ng tulong para sa kanilang mga komunidad upang palaguin ang kanilang ekonomiya, lipunan at kaunlarang pangkultura.

Posted in MINDANAO: TUKLASIN NATIN | Tagged | Comments Off

Balangkas Ng Kasunduan Sa Bangsamoro, Art. 5

V. TERITORYO

1. Ang pangunahing teritoryo ng Bangsamoro ay binubuo ng: (a) kasalukuyang heograpikal na lugar (kinasasakupan) ng ARMM; (b) ang mga Munisipalidad ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at Tangkal sa lalawigan ng Lanao del Norte at lahat ng mga barangay sa mga Munisipalidad ng Kabacan, Carmen, Aleosan, Pigkawayan, Pikit, at Midsayap na bumoto noong 2001 plebiscite upang maisama sa ARMM; (c) ang mga lungsod ng Cotabato at Isabela; at (d) lahat ng mga karatig-na lugar kung saan may resolusyon ang lokal na bahagi ng pamahalaan na aabot sa sampung por syento (10%) ng mga kwalipikadong botante sa lugar na humihiling na maisama, na hindi lalagpas sa dalawang buwan bago ilunsad ang ratipikasyon ng Bangsamoro Basic Law at ang proseso ng pagtatakda ng limitasyon sa Bangsamoro na gaya ng nabanggit sa susunod na talata.

2. Ang dalawang panig ay makikipagtulungan upang siguruhin ang malawakang pagtanggap ng Bangsamoro Basic Law, na binalangkas ng Transitory Commission (TC) at ang mga pangunahing lugar na nabanggit sa unang talata, sa pamamagitan ng proseso ng popular na ratipikasyon (karamihan) sa lahat ng mga Bangsamoro sa loob ng mga lugar, upang ito ay maisakatuparan. Magkakaroon ng presensya ng “international third party monitoring team” upang tiyakin ang malayang proseso, patas, mapagkakatiwalaan, lehitimo at kung ito ay naaayon sa pamantayang pandaigdig.

3. Ang mga karatig-lugar ngunit nasa labas ng pangunahing teritoryo, kung saan may malaking populasyon ng Bangsamoro ay maaring maging bahagi ng teritoryo anumang oras, sa pamamagitan ng petisyon ng hindi bababa sa sampung por syento (10%) ng mga residente at aaprubahan ng mayoriya (50%+1) ng kwalipikadong botante (sa lugar) sa pamamagitan ng plebisito.

4. Ang pagkakaloob ng panloob at sakop na teritoryong pandagat (katubigan) ay makikita sa karagdagang mga talata sa bahagi nito, na may pamagat na “Wealth and Power Sharing.”

5. Ang (tinatawag na) teritoryo ay tumutukoy sa kimpal ng lupa, gayundin ang karagatan, kalangitan, ilog at ang kailaliman ng ilog (alluvial domain) at ang atmosperikong espasyo sa itaas nito. Ang pagpapatakbo ng pamahalaan ay pagkakasunduan pa lamang ng magkabilang panig sa kasunduan na ito at (tinalakay din) sa seksyon ng “wealth and power sharing.”

6. Kikilalanin ng Bangsamoro Basic Law ang pangkalahatang karapatan sa demokrasya ng mga residente ng Bangsamoro.

Posted in MINDANAO: TUKLASIN NATIN | Tagged | Comments Off

Balangkas Ng Kasunduan Sa Bangsamoro, Art. 4

IV. PAGLABAS NG KITA AT PAGHAHATI-HATI SA KAYAMANAN

1. Nagkasundo ang mga partido na ang paglikha ng yaman (revenue generation and sourcing) ay mahalaga para sa operasyon ng Bangsamoro.

2. Alinsunod sa Bangsamoro Basic Law, ang Bangsamoro ay magkakaroon ng kapangyarihang lumikha ng sarili nitong pagkukunan ng kita at magtakda ng buwis, taripa (fees), at mga bayarin, ngunit ito ay may limitasyon na pagkakasunduan pa lamang ng dalawang panig. Ang kapangyarihang ito ay kabibilangan ng kapangyarihan sa pagtatakda ng tax bases o pagmumulan ng buwis, tax rates o katumbas na halaga ng buwis, na alinsunod sa prinsipyo ng debolusyon o pag-aabot sa akmang kapangyarihan, pagpapareho, pagpapantay, pananagutan, kasimplehang administratibo, koordinasyon, kahusayang pang-ekonomiya, at pagsasarili ng piskal.

3. Ang Bangsamoro ay may awtoridad upang tumanggap ng mga gawad at mga donasyon mula sa lokal at ibayong dagat, at harangan ang mga gawad at subsidiya na mula sa Pamahalaang Central. Sa ilalim ng katanggap-tanggap na karapatang manghiram, may awtoridad din ito upang kumontrata ng mga paghiram sa loob at sa mga nagpapautang na institusyun sa ibayong dagat, maliban sa mga panlabas at panloob na panghihiram na nangangailangan ng sarili o independyenteng garantiya, maging ito man ay lantad o pahiwatig lamang (explicit or implicit), at kailangan ang pag-apruba nito ng Central Government.

4. Ang Bangsamoro ay magkakaroon ng makatarungan at patas na bahagi sa kinikita mula sa eksplorasyon o pagsusuri, pagpapaunlad o paggamit ng likas na yamang nakukuha sa lahat ng mga lugar o teritoryo, kalupaan at katubigan, na sakop o sa loob ng hurisdiksyon o nasasakupan ng Bangsamoro, alinsunod sa mga pormulang pinagkasunduan ng dalawang panig.

5. Ang Bangsamoro ay maaring maglikha ng sariling “auditing body” o tagasuri ng mga gastusin at mga paraan ng pagpapatupad ng pananagutan ukol sa mga kita at iba pang pondo na nagmula sa loob o ng rehiyun, o mula sa labas ng bansa (Bangsamoro).

Ito ay walang pagkiling sa kapangyarihan, awtoridad at tungkulin ng National Commission on Audit na suriin at ayusin ang lahat ng mga “accounts” o talaan na tumutukoy sa kita at ang paggamit ng mga pondo at ari-arian na pag-aari at nakuha bilang ipinagkatiwala sa anumang paraan ng pamahalaan, kabilang ang mga GOCC’s.

6. Ang mga detalye ng kita at kaayusan sa pagbabahagi ng yaman sa pagitan ng Central Government at ng Bangsamoro Government ay pagkakasunduan ng dalawang panig. Ang Annex o (dagdag na dokumento) ukol sa Pagbabahagi ng Kayamanan ay bumubuo ng bahagi ng Kasunduang ito.

7. magkakaroon ng “inter-governmental fiscal policy board” na binubuo ng mga kinatawan ng Bangsamoro at ng Central Government upang tumugon sa mga revenue imbalances at pagbabagu-bago ng pangangailangan ng pinansiyang pangrehyunal at kapasidad sa pagtaas ng kita. Ang Board ay magsasagawa ng meeting ng isang beses sa bawat anim na buwan upang alamin ang kailangang pagbabago sa fiscal policy o (palisiyang piskal), alinsunod sa prinsipyo ng inter-governmental relations na kapwang pinagkasunduan ng dalawang panig. Kapag nakamit ng Bangsamoro ang ganap na fiscal autonomy, hindi na kailangan ng kinatawan mula sa panig ng Central Government na umupo sa Board. Ang ibig sabihin ng “Fiscal autonomy” ay ang pagkuha at pag-budget ng sariling pinagkukunan ng kita ng Bangsamoro, ang bahagi nito mula sa panloob na kita sa buwis at harangan ang mga gawad at subsidiya na ire-remit ng Central Government o sinumang donor.

8. Nagkasundo ang dalawang panig na ang pagpapanatili ng pag-unlad ay mahalaga sa pagprotekta at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga tao ng Bangsamoro. Dahil dito, ang Bangsamoro ay magsasagawa ng malawakang balangkas para sa pangmatagalang kaunlaran, sa pamamagitan ng maayos na konserbasyon, paggamit at pagpapaunlad ng likas na mga pinagkukunan o (natural resources). Para sa mahusay na koordinasyon at tulong, ang Bangsamoro Legislative Body ay lumikha, sa pamamagitan ng batas, ng isang inter-governmental body na binubuo ng mga kinatawan ng Bangsamoro at ang Central Government, na dapat na tiyakin ang pag-aarmonya o pagkakasundo ng pangkapaligiran at pag-unlad na plano, pati na rin ang bumalangkas ng mga karaniwang layuning pangkapaligiran.

Posted in MINDANAO: TUKLASIN NATIN | Tagged | Comments Off

Balangkas Ng Kasunduan Sa Bangsamoro, Art. 3

III. KAPANGYARIHAN

1. Ang Central Government ay mananatiling makapangyarihan, ang Bangsamoro Government ay may sarili at eksklusibong kapangyarihan, at mayroong magkasabay na kapangyarihang pinagtutulungan ng Central Government at ng Bangsamoro Government.

Ang Dugtong nito sa Pagbabahagi ng Kapangyarihan, na kasama ang mga prinsipyo sa panloob na relasyon ng gobyerno, ay bumubuo ng bahagi ng Kasunduang ito at gagabay sa Pagbabalangkas ng Basic Law.

2. Ang Central Government ay may kapangyarihan sa:

a) Tanggulan at Panlabas na Seguridad.

b) Polisiyang Pang Ibayong Dagat (Foreign Policy)

c) Ang Pangkaraniwang Pamilihan at pandaigdig na kalakalan, ngunit kailangan na ang awtoridad na pumasok sa pakikipagkasundong pang-ekonomiya, na una nang ipinahintulot sa ilalim ng Republic Act No. 9054, ay ililipat sa Bangsamoro

d) paglikha ng mga sinsilyo at palisiya ng pananalapi

e) Pagkamamamayan at naturalisasyon

f) Koreo

Ang listahang ito ay hindi makakasira sa karagdagang kapangyarihan na mapagkakasunduan ng dalawang panig.

3. Kinikilala ng bawat panig ang pangangailangan na patatagin ang mga korte ng Shari’ah at palawakin ang kanilang mga nasasakupan ukol sa mga kaso. Ang Bangsamoro ay may (sapat na) kakayahan sa Shari’ah justice system. Ang pangingibabaw ng Shari’ah at ang pagpapatupad nito ay para lamang sa mga Muslims.

4. Ang Bangsamoro Basic Law ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Pamahalaan ng Bangsamoro na magtatag ng “halal-certifying bodies”sa Bangsamoro.

5. Ang Bangsamoro Basic Law ay maglalaan ng justice institutions o (korte) sa Bangsamoro. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

a) Ang kakayahan ng Shari’ah justice system, gayundin ang pormal na pagtatag at pagpapatakbo ng mga gawain nito, at ang pagpapalawak sa sakop o hurisdiksyon ng mga Shari’ah courts;

b) Mga paraan upang pagandahin ang gawain ng mga “local civil courts,” kung sakaling kailangan; at

c) Alternatibong sistema ng pagresolba sa mga hidwaan.

6. Ang mga kaugalian at tradisyon ng mga katutubong mamamayan ay isasa-alang-alang sa pagbuo ng sistema ng Hustisya sa Bangsamoro. Ito ay kinabibilangan ng pagkilala sa prosesong pangkatutubo, bilang alternatibong paraan ng pagresolba sa mga di-pagkakaunawaan.

Posted in MINDANAO: TUKLASIN NATIN | Tagged | Comments Off

Balangkas Ng Kasunduan Sa Bangsamoro, Art. 2

new-bangsamoro-region-20121006-2

II. PANGUNAHING BATAS

1. Ang Bangsamoro ay pamamahalaan ng isang tinatawag na Basic Law.

2. Ang mga probisyon ng Bangsamoro Basic Law ay naaayon sa mga naging kasunduan ng dalawang panig.

3. Ang Basic Law ay sumasalamin sa sistema ng buhay ng Bangsamoro at kailangang matugunan nito ang pamantayang katanggap-tanggap sa internasyunal na pagpapatakbo ng pamahalaan.

4. Ito ay babalangkasin at ipapanukala ng mga mamamayang Bangsamoro at raratipikahin ng mga kwalipikadong botante na mula sa loob ng teritoryo.

Posted in MINDANAO: TUKLASIN NATIN | Tagged | Comments Off

Balangkas Ng Kasunduan Sa Bangsamoro, Art. 1

bangsamoro“Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain”

 BALANGKAS NG KASUNDUAN SA BANGSAMORO

(Isinalin sa Wikang Tagalog mula sa Wikang Ingles)

Ang pamahalaan ng Pilipinas (GPH) at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang tinutukoy na mga Panig sa Kasunduan na ito,

AY NAGKASUNDO AT KUMUKILALA SA MGA SUMUSUNOD:

I. PAGTATATAG NG BANGSAMORO

1. Ang Mga Partido (magkabilang panig) ay sumasang-ayon na ang “Status Quo” ay hindi katanggap-tanggap at ang Bangsamoro ay itinatag upang palitan ang Autonomous na Rehiyon sa Muslim Mindanao (ARMM). Ang Bangsamoro ay ang “new political entity” (NPE), na tinutukoy sa Mga Puntos ng Desisyon ng mga Prinsipyo mula noong Abril taong 2012.

2. Ang porma ng pamahalaan ng Bangsamoro ay “Ministerial”.

Ang magkabilang panig ay nagkasundong gumamit ng sistema ng eleksyon na angkop sa Ministrong Porma ng Pamahalaan. Ang sistema ng eleksyon ay magpapahintulot ng partisipasyong demokratiko, titiyakin ang pananagutan ng pampublikong opisyal, una sa kanilang mga nasasakupan at isulong ang pagbuo ng tunay na may prinsipyong partidong pulitikal. Ang sistema ng eleksyun ay napapaloob sa Bangsamoro Basic Law (BBL) na ipapatupad sa pamamagitan ng lehislasyon na isinasabatas ng Pamahalaang Bangsamoro at sang-ayon sa pambansang saligang-batas.

3. Ang mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, barangay at heograpikong lugar na nasa loob ng teritoryo ng Bangsamoro ay siyang lugar na nasasakupan ng Bangsamoro.

Ang awtoridad na tumitingin sa sarili nitong pananagutan; ang mga kaganapan sa mga nasasakupan ay tinitiyak sa loob ng limitasyon ng Bangsamoro Basic Law. Ang mga pribilehiyo na dati nang tinatangkilik ng mga lokal na yunit ng pamahalaan sa ilalim ng mga umiiral na batas ay hindi dapat na maglaho o mawawala, maliban kung binago, o mabago para sa mahusay na pamamahala, alinsunod sa probisyon ng Bangsamoro Local Government Code.

 4. Ang relasyon ng Central Government sa Bangsamoro Government ay asymmetric o hindi pantay.

 5. Kilalanin ng bawat panig ang pangalang “Bangsamoro” na (pangalang) pagkakakilanlan. Yaong mga nabuhay sa panahon ng pananakop at kolonisasyon ay itinuturing na katutubo o orihinal na residente ng Mindanao at Sulu archipelago at ang mga katabing isla, kabilang ang Palawan, at ang kanilang mga kaapu-apuhan, maging ito man ay halo o ganap ang dugo, ay may karapatang ipakilala ang sarili bilang Bangsamoro sa pamamagitan ng pagpapalagay o sarilig pagpapalagay.

 Ang mga asawa at ang kanilang mga kaapu-apuhan o angkan ay inuri bilang Bangsamoro. Ang kalayaan ng pagpili ng iba pang mga Katutubong mamamayan ay igagalang.

Posted in MINDANAO: TUKLASIN NATIN | Tagged | Comments Off

Cover, Issue 59

00a

Posted in COVER | Comments Off

Pinot Directory Kuwait, Issue 59

00b

Posted in Pinoy Directory Kuwait | Comments Off

Table of Contents, Issue 59

00c

Posted in Table of Contents | Comments Off

Page 2-3, Issue 59

02

Posted in ARTICLES, FEATURED, From Awake! | Tagged | Comments Off

Page 4, Issue 59, continuation from page 3

04

Posted in FEATURED, From Awake! | Tagged | Comments Off

Page 5, Issue 59

05

Posted in ARTICLES, FEATURED | Tagged | Comments Off

Page 6, Issue 59

06

Posted in ISYUNG PANGKALUSUGAN | Tagged | Comments Off