Anong meron sa buwan ng Setyembre

Ang Setyembre o Septyembre ang ika-9 na buwan sa Talaaraw ng Gregorian. May 30 araw ang naturang buwan. Nahango ang pangalang Septyembre mula sa salitang Lating septem, na nangangahulugang pito. Samakatuwid sa Talaaraw ng Roman, ang Setyembre nga ang ika-pitong buwan ng taon (Marso bilang unang buwan), ngunit tumagal lang ito bilang ika-7 hanggang taon 153 AD, nang binago ng mga Romano ang kanilang kalendaryo at ginawang pang- unang buwan ang Enero.

Edi ul-Fitr. Setyembre 11, 12, 13. Ang Eid ul-Fitr (o Hari Raya Puasa) ay isang kapistahang Muslim na palatandaan ng katapusan ng Ramadan. Pinagdiriwang ito pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan, sa unang araw ng Shawwal. Tumatagal ang selebrasyon ng Eid al-Fitr ng tatlong araw. Inaatasan ng Qur’an ang mga Muslim na buuin o kumpletuhin ang kanilang pag-aayuno sa huling araw ng Ramadan at bigkasin ang Takbir (Alahu Akhbar, ang Allah ay Dakila) sa buong panahon ng Eid.

Ang Pista ng Peñafrancia ay nagsisimula tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba’t ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang kumpetisyon.

Ipinagdiriwang ang Araw ng Siquijor tuwing ikalawang linggo ng Setyembre upang alalahanin ang pagkakabuo ng siyudad ng Siquijor. Binubuo ito ng isang linggong mga gawain tulad ng mga parada, kalakalan, paligsahan sa iba’t ibang uri ng palakasan, mga presentasyon hinggil sa pangkultura na ipinapalabas ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan, at pagpapakita ng iba’t ibang pagpipista ng mga bayan. Itinuturing ang Araw ng Siquijor bilang “festival of all festivals” sapagkat dito itinatampok ang iba’t ibang kasayahan mula sa anim na munisipalidad. Layunin din ng selebrasyong ito na pagyamanin ang kanilang kultura, patatagin ang pagtutulungan, pakikipag-kapwa at pagkakaintindihan ng bawat Siquijodnon na marahil ay isang malaking hakbang upang maitaas ang turismo ng nasabing lalawigan.

About Ullessis Abaya

Da'iyah, Islam Presentation Committee, Kuwait Teacher, Comparative Study on Religion Editor, Pag-usapan Po Natin!
This entry was posted in ANONG MERON SA BUWAN. Bookmark the permalink.

Leave a Reply