Anong Meron sa Buwan ng Agosto

Agosto ang ikawalong buwan sa kelendaryogn Gregoryan. Mayroon itong 30 araw ayon sa pagkatakda ni Caesar Augustus kung kanino ipinangalan ang buwan na ito.

Agosto 11 sa taong ito, ang Ramadan ay magsimula. Ito ay isang kaganapang pang-relihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung saan naihayag ang Qur’an. Ito ang panahon ng pag-aayuno na iniiwasan ang pagkain at pag-inom ng tubig mula bukang-liwayway hanggang takip-silim. Ang pag-aayuno ay ginagawa para maturuan ang isang tao na magsakripisyo, magpakakumbaba, at maging mapaghintay. Ito ay ginagawa para sa Diyos, at pagdasal ng mas marami kumpara sa dati. Ito’y panahon kung saan humihingi ng patawad para sa kanilang mga kasalanan ang mga muslim, dasal para sa kanilang kaligtasan at para malayo ang masamang espirito sa araw-araw na buhay at sinusubukang rin nilang malinis ang kanilang sarili sa pamamagitan ng disiplina at kawang gawa.

Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao. Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa katutubong salitang “dayao” na ang ibig sabihin ay “madayaw” – isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.

Ang Linggo ng Pagpapasuso ay isang selebrasyon na isinasagawa tuwing unang linggo ng buwan ng Agosto. Ipinagdiriwang ito sa mahigit 120 bansa sa buong mundo upang hikayatin ang mamamayan sa mga benepisyong maibibigay ng mga ina sa pamamagitan nang pagpapasuso sa kanilang mga sanggol tungo sa kanilang kalusugan at maayos na paglaki. Ito ang ‘’Innocenti Declaration’’ na nilikha ng WHO at UNICEF noong August 1990 na naglalayong protektahan, suportahan at itaguyod ang ‘’breastfeeding’’. Ang layunin ng pagdiriwang ay upang mapuna ang mahalagang papel na ginagampanan nang pagpapasuso sa mga sanggol . Dagdag pa nito, layunin din ng pagdiriwang ang mapahalagahan ang pangangailangan ng bawat isa sa aktibong proteksiyon at suportahan ang pagpapasuso. Upang maipaalam sa mga ina, sa kumunidad at mga dalubhasa sa kalusugan, gobyerno, at medya kung paano susuportahan ang pagpapasuso na higit na kailangan ng mga lumalaking sanggol.

Ang Linggo ng Wika ay karaniwang ipinagdiriwang sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan. Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito’y mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino.

Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa. 

Agosto 19, Araw ng Lungsod Quezon, ipinagdiriwang ang pakakatatag nito.

Kamatayan

August  1, 1944, namatay si Manuel L. Quezon, unang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas, (Ipinanganak 1878).

August  21,1983, namatay si Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., Pilipinong politico

August  1, 2009, namatay si Corazon Aquino, ika-11 pangulo ng Republika ng Pilipinas (Ipinanganak 1933).

August  31, 2009, namatay si Eraño Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo. (Ipinanganak 1925).

Pangyayari

August  3, 1914, Unang Digmaang Pandaigdig. Nagpahayag ng digmaan ang Alemanya laban sa Pransya.

August  6, 1945, Ikalawang Digmaang Pandaigdig; ang pagbomba ng atomic bomb sa Hiroshima sa bansang Hapon na pumatay ng pangkalahatang 200,000 katao, kasama ang 60,000 na namatay pagkatapos magkasakit sa radyasyon.

August  21, 1983 – Pinunong oposisyon ng Pilipinas na si Benigno Aquino, Jr. ay pinaslang sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino.

August  2, 1990, sinukob ng Iraq ang Kuwait na nagbunga sa pakikipagsapalaran sa mga hukbong koalisyon ng Digmaan sa Golpo.

About Ullessis Abaya

Assistant Da'iyah for Islam Presentation Committee (IPC Kuwait) since 2004, Teacher of Comparative Study on Religion and Editor of Pag-usapan Po Natin! Filipino Magazine (Kuwait)
This entry was posted in ANONG MERON SA BUWAN and tagged . Bookmark the permalink.

Leave a Reply